Saturday, August 18, 2012

Sulat na humihingi ng patawad

Sa taong may-ari ng aking puso,


          Alam ko, hindi ako perpekto kaya heto, nagkakamali. Sana ay hindi ka magsawa na patawarin ako sa mga paghihirap at sakit na nadudulot ko sa iyo. Hindi ko naman sinasadya to, pero sadya ata talagang dumadaan ang mga relasyon sa mga ganitong klase ng panahon. Pero nagpapasalamat pa rin ako, kahit papaano. Kasi dito tayo mas natututo at mas nauunawaan ang isa't isa.

          Mahal na mahal na mahal kita, at sana hindi ka namamanhid para hindi mo to maramdaman. Kasi ginagawa ko lahat ng kaya at alam ko, para lang mapasaya ka at mapawi ko ang lahat ng pagod na nararamdaman mo. 

          Alam mo heart, nagpapasalamat ako. Kasi kahit hindi ako yung taong perpekto, nandiyan ka parin at tinatanggap yung mga pagkakamali at kahinaan ko. At ikaw pa yung nagpapalakas sa akin, kaya ikaw ay malaking biyaya galing sa Diyos.

          Ngayon na napag-usapan na natin at nasolusyonan yung problema, nasa atin na ang gawa. Heart, gusto ko hawak-kamay parin tayo sa lahat ng nangyayari at posible pang mangyari, konektado man ito sa atin o hindi. Heart, sana magtuloy-tuloy ng maging smooth ang takbo ng relasyon natin para makapag-foucs tayo sa mga dapat gawin at may ngiti sa ating labi araw-araw.

          Bilang asawa mo, babaguhin ko lang yung mga ayaw mo sa akin at mananatili parin ako sa pagmamahal at pag-aalaga ko sayo, kasi mahal na mahal kita e. Hindi ko kakayanin na mawala ka sa akin, kahit isang minuto lang.

          Mahal na mahal na mahal kita.

Nagmamahal,