Sunday, February 26, 2012

Kasama kang tumanda

Sa bilyon-bilyong tao sa mundo,
Sa bilang ng mga batang pinangak bawat minuto,
Sa bigat na ng kanin na kinain mo,
Sa dami na ng taong nakasalubong mo,
Sa dami na ng taong nakasalamuha mo,
Sa dami na ng taong nakasabay sa lrt paguwi mo,
Sa bilang ng FB friends mo,
Sa iba't-ibang klase ng babae
at sa laki ng mundo...
Biruin mo! Nahanap mo 'ko. 
Sabi nga ng DOT, "It's more fun in the Philippines!"

Sinong mag-aakala
na ikaw at ako'y magkakatugma,
Isang mejo matanda at isang umaastang bata
Dahil dun...
Para tuloy akong nagkaroon ng pangalawang Papa.
Pero alam mo, ako'y masaya
Kasi tayo'y nagtagal, kaht may mga pagkakaiba.
Dun naman ako napapangiti,
na sa pagkakaiba, ako parin ay iyong nakikiliti.

Mapaluzon at Visayas man,
Kalupaan at Kalawakan
Silangan at Kanluran,
Timog at Kahilagaan,
Kahit tayo'y hindi pinaglalapit,
ang pagmamahal mo sakin ay nakakapit.
Buti na lang at inimbento ang globe,
"Make it your way",
kaya go lang ng go.







Sa mga panahong tila madilim,
ang mga problema'y tila patalim.
Pasalamat tayo angjan ang Diyos,
na siyang sentro ng ating relasyon.

Ngayon, ako'y nagpapasalamat
na kahit ang tiwala mo na ay may lamat,
tayo ay nagtagal,
kasi ako'y walang sawang minamahal.
Ako'y naluluha,
habang ginagawa itong tula, kasi abot langit ang saya,
na ikaw ay binigay na biyaya.

Sana hanggang pagtanda, tayo parin,
gigisingin kita, pag kakain na,
iki-kiss kita, pag ikaw ay lalabas na,
mamasahe kita, pag ikaw ay pagod na,
pagluluto kita, pag ikaw ay gutom na,
ihehele kita, pag ikaw ay antok na,
aalagaan mo ko, pag masama ang pakiramdam,
sasamahan kita, pag gusto mo ng kasama
O kay sarap isiping, kasama kang tumanda.

Ilang gabi kong pinagdasal ang araw na to,
sa wakas ay nagkatotoo..
Sana'y madami pang beses ang dumaan na ganito.
Para hindi lang dalawang beses mong maririnig...

Happy Anniversary, Heart!
I love you so much. :)



1 comment: