Tuesday, February 21, 2012

Korona ng Kalawakan 2012

Sa barangay puno ng pag-asa, may dalawang nilalang na suking-suki ng mga gay beauty contest. Kahit saang sulok ng Pilipinas, susugod sila masungkit lang ang korona. At ngayong taon na ito, may gaganaping Reyna ng Kalawakan 2012 sa kanilang barangay.
                Si Karding aka “Kari” ang isa sa mga nag-aasam na makamit ito. Siya ay isang mag-gugupit sa isang maliit na parlor sa kanilang bayan.
                Ang isa sa kanyang malakas na katunggali ay ang sikat na Rene aka “Reena” na nag-dedesign ng mga gown na bentang benta sa mga beauty pageant.
                Isang araw, lumabas sa radio na nagsisimula na ang paghahanap ng tatanghaling Reyna na Kalawakan 2010. Naghanda ang si Kari at Reena sa audition day.
                Dumating ang Audition day…
                Nagkita si Rene at Karding sa Barangay Hall kung saan gaganapin ang Audition para sa Reyna ng Kalawakan. Ang dalawa ay matagal ng naglalaban para sa mga iba’t-ibang korona.
                Lumapit si Rene kay Karding na tila naghahamon ng laban at sinabing “Kung saan, kailan at paanong laban, magpasabi ka lang, hindi kita uurungan.” 

No comments:

Post a Comment